Senator aspirant Samira Gutoc kay Pres. Duterte: “Hindi po ninyo ako kalaban Mr. President.”


Senator aspirant at partido ng Aksyon Demokratiko ni Mayor Isko Moreno na si Samira Gutoc tila nag-iba ang hangin ng sabihan niya si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya kalaban.


Sinabi ito ni Gutoc nang kaniyang bisitahin ang Quezon City aniya hindi siya kalaban at dapat tapusin ang mga plano tungkol sa health care at iba pang mga programa ng administrasyon.


“So, President, I’m here as your co-Mindanaoan, I’m with Yorme at kung ano ‘yung dinadala naming ni Yorme, Bilis-Kilos. Hindi po ninyo ako kalaban Mr. President.” sabi ni Gutoc na kababayan ng Pangulo mula sa Mindanao.


“Alam kong masakit ang mga nasabi ko noon pero sa inyo na tapusin natin ang dapat tapusin, bigyan natin ng health care ang dapat bigyan,” dagdag niya pa.


Matatandaan noong nakaraang eleksyon ay kumakandidato si Gutoc sa pagka senador pero ito'y bigo na makakuha ng posisyon. 


Isa din siyang kritiko ng Pangulo sa loob ng ilang taon. Dahil sa kaniyang pambabatikos nakatanggap ng kritiko si Gutoc mula sa mga taga supporta ng Pangulo.


Matapos umanib si Gutoc sa partido ni  Mayor Isko Moreno ay tila nag-iba ang hangin nito.


Up