Omicron Variant, nakapasok na sa Pilipinas


Kinomperma ng Department of Health o DOH na may natala na sa bansa ang kinatatakutan na Omicron coronavirus-variant matapos mag positibo ang isang Pinoy at isang banyaga.

Ayon pa ng DOH ang dalawang pasyente ay galing sa iba't ibang bansa, ang pinoy ay nanggaling sa Japan at isa naman ay isang Nigerian national. Ang pinoy ay sakay ng Philippine Airlines noong Desyembre 01, 2021 at ang banyaga naman ay nakarating sa bansa noong Nobiyembre 30, 2021.

Ang mga resulta ay lumabas sa ginawang 48-sample sequencing ng DOH, UP - Philippine Genome Center at UP - National Institutes of Health.

"The DOH is verifying the test results and health status of all passengers of these flights to determine if there are other confirmed cases or passengers who became symptomatic after arrival." ayon pa sa kanilang website.

Ang dalawa ay naka isolate sa ngayon sa isolation facility.


Up