Leni at lokal na politiko, P500 kada-tao para sa rally ayon kay Cavite Rep. Boying Remulla


Sa isang interview pinabulaan ni Cavite Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla na may bayaran na naganap noong nakaraang araw sa rally ni Vice President Leni Robredo na may estimated na 47,000 ka-tao.


Sa interview ng DZRH nito lang sabado kay Remulla sinabi nito na may politikong nagbabayad ng P500 sa bawat aatend ng rally.


“Sa siyudad ng Cavite, may politiko na nagbabayad ng limang daan sa bawat aattend. Tapos may jeep, tapos meron silang staging area, may t-shirt, may uniporme, kumpleto. Kaya alam mo na hindi indigenous kasi naka-uniporme. Hinahakot eh,” ayon pa niya.


Hindi naman sinabi ni Remulla kung sino ang politiko na kaniyang tinutukoy.


Sinabi rin ni Remullo na nakikita niya ito sa kaniyang mga mata at hindi siya nagsisinungaling.


“Kaya ganun ang nangyayari, nagpa-panic sila, kasi nabibisto yung gimik nila. Kasi gusto nila na magkaroon ng bandwagon effect sa Cavite, eh wala naman talaga eh. Alam mo yung exaggeration lang ng dami ng pumunta sa rally, hindi ako maniniwala sa dami na yon,” ani Remulla.


Up